Meralco, Talk ‘N Text tatapusin ang San Mig at Petron: Brgy. Ginebra humirit ng ‘do-or-die’ sa Rain or Shine

LARO NGAYON

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Talk ‘N Text vs. Petron Blaze

6:30 p.m. San Mig vs. Meralco

MANILA, Philippines - Nagtuwang sina Jayjay Helterbrand, Rudy Hat­field, import Vernon Macklin at Josh Urbizton­do sa final canto para igiya ang No. 7 Barangay Ginebra sa 90-83 panalo laban sa No. 2 Rain or Shine sa quarterfinal round ng PBA Com­mis­sioner’s Cup kagabi sa SM  MOA Are­na sa Pasay City.

Bitbit ng Elasto Pain­ters ang ‘twice-to-beat’ ad­vantage laban sa Gin Kings.

Sa unang laro, nakapa­sok naman sa panga­la­wang sunod na semis stint ang Alaska nang talunin ang Air21, 87-81.

Bagamat may ‘twice-to-beat’ advantage, hindi na ito ginamit ng Aces para maging unang kopo­nan nakapasok sa best-of-five semifinal series.

Makakaharap nila ang ma­nanalo sa best-of-three quarterfinals showdown ng Meralco at defending champion San Mig Coffee kung saan lamang ang Bolts, 1-0.

Matapos lumamang ng sa 19 puntos sa third quarter, bumaba sa 80-78 ang bentahe ng Alaska sa 2:28 minuto sa laro ma­karaan ang pagsanib-pu­wersa nina Mike Cortez at Mark Isip sa fourth quarter.

Pero tila naging ma­lamig na tubig na ibinuhos sa mainit na rally ng Express ang isang basket ni Sonny Thoss at isang three-point shot ni JVee Casio na tumiyak ng unang back-to-back Final Four appearance ng Alaska sa loob ng nakaraang tatlong seasons.

Limang players ang umis­kor ng double fi­gures para sa Aces sa pamu­muno ng 19 ni Casio.

Samantala, ambisyon naman ng Meralco ang ka­una-unahang pagpasok nito sa Final Four sa pa­kikipagharap sa San Mig Coffee sa Game 2 ng kanilang best-of-three quarterfinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ng 88-85 pa­nalo sa Game 1 noong Bi­yernes, nais ma­kaulit ng Bolts sa kanilang pang alas-6:30 ng gabing laro kon­tra sa Mixers.

Pang siyam na sunod na semis stint ang habol ng Talk ‘N Text laban sa Petron Blaze sa alas-4:15 ng hapon nang kunin ang 100-93 panalo sa Game 1.

Ginebra 90 - Macklin 21, Tenorio 19, Raymundo 14, Helterbrand 13, Baracael 7, Hatfield 7, Ellis 5, Urbiztondo 4, Taha 0, Labagala 0, Mamaril 0.

Rain or Shine 83 - Sundov 29, Chan 15, Cruz 12, Araña 8, Lee 6, Norwood 5, Quiñahan 4, Ibañes 4, Tiu 0, Matias 0, Belga 0, Rodriguez 0.

Quarterscores: 23-29; 37-48; 58-62; 90-83.

Show comments