NBA pagmumultahin ang mga gagawa ng flopping

NEW YORK -- Pagmumultahin ng NBA ang mga players ng $5,000 para sa unang flopping offense pagdating sa playoffs.

Binalaan ng NBA ang mga players para sa first offense sa regular season, ang unang pagkakataon na minultahan ang mga players na nanloloko sa mga refe­rees para tumawag ng foul.

Sinabi ng liga na mayroon nang 24 violations sa re­gular season.

Ang limang players ay napatawan ng $5,000 fine dahil sa dalawang beses na paglabag sa anti-flopping rule.

Ang second offense sa postseason ay may katapat na $10,000 fine.

Ito ay lolobo sa $15,000 para sa ikatlo at $30,000 para sa ikaapat na opensa.

Show comments