UST, NU umabante sa q’finals

MANILA, Philippines - Tinalo ng UST ang San Sebastian, habang na­ngibabaw ang National Uni­versity sa University of San Carlos-Cebu para umabante na sa quarter­finals sa Shakey’s V-Lea­gue Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Hindi nataranta ang Tig­resses mula sa domi­nan­teng laro ni Lady Stags import Jeng Bualee na tumapos bitbit ang 38 puntos, ka­sama ang 35 kills, nang ka­kitaan ang Es­paña-based team ng mas magandang depensa pa­tungo sa 19-25, 25-14, 25-22, 25-22 panalo.

May 14-2 bentahe sa blocks ang UST sa San Sebastian upang pawiin ang 52-58 pagyukod sa attack points at kunin ang ikalawang puwesto sa quar­terfinals sa Group A.

“Floor defense at ma­gandang serve ang si­nabi kong dapat naming ma­ipakita at masaya ako at ito ay nagawa ng mga pla­yers,” ani Tigres­ses’ mentor Odjie Mamon.

May 18 puntos mula sa 11 kills, 4 blocks at 3 aces si Maika Ortiz para pangunahan ang kanyang ko­ponan na sinamahan ang Ateneo (3-0) sa susunod na round.

Bumaba ang Lady Stags sa 0-2 karta at kaila­ngang maipanalo ang da­lawang laro.

Show comments