Sa kani-kanilang best-of-3 quarterfinals series: Bolts kontra Mixers; Boosters laban sa Texters

MANILA, Philippines - Simula ngayon ng da­­lawang best-of-three quar­terfinals sa PBA Commis­sioner’s Cup sa Smart Ara­neta Coliseum kung sa­an pakay ng Petron Blaze na makaulit sa Talk ‘N Text, samantalang hangad na­man ng defending champion San Mig Coffee ang pa­tuloy nitong pagdomina sa Meralco.

Maghaharap ang Bolts at Mixers sa Game 1 ng kanilang serye sa alas-5:15 ng hapon, habang sa alas-7:30 ng gabi ang salpukan ng Boosters at Tropang Tex­ters.

Sa buong kasaysayan ng mga best-of-3 series, 28 na koponang nanalo sa Game 1 sa kabuuang 39 ang nagwagi sa serye.

Alam na alam ni Tim Cone ng San Mig Coffee kung gaano kahalaga ang Game 1 sa isang best-of-3.

“It’s a short series, so that makes Game 1 key,” wika nito.

Hindi na iba kay Me­ralco head coach Ryan Gre­gorio ang pagharap la­ban sa kanyang dating ko­po­nan.

“It is an added motivation for us knowing the first time we were 0-2, the next time we won Game 1 but we lost the next two. This time hopefully we can go over the hump and finally barge in the semifinals under a format like this,” paliwanag ni Gregorio.

Dalawang beses ding nag­harap sa elims ang San Mig Coffee at Meralco na parehong napanalunan ng Mixers, 97-90 (Apr. 13) at 76-71 (Mar. 15).

Pero nahirapan daw sina Cone sa mga panalong iyon.

“We just played Meralco in our last game so we’re both familiar with each other. They are a tough match-up for us with (Eric) Dawson, (Mark) Cardona & (Chris) Ross,” ani Cone.

Tinalo naman ng Petron Blaze ang Talk ‘N Text, 87-76, noong Miyerkules sa pagtatapos ng eliminations

Ang panalong iyon ng Boosters ay nagtapos sa kanilang nine-game losing slump laban sa Tropang Texters mula nang paka­walan ang isang 3-1 benta­he sa kanilang best-of-7 se­mifinals series sa Philippine Cup noong nakaraang season, ang kanilang huling paghaharap sa isang playoff series bago ang kasalukuyang conference.

Show comments