McGrady kinuha ng Spurs

SAN ANTONIO – Pinapirma ng San Antonio Spurs si veteran forward Tracy McGrady para madagdagan ang lalim ng kanilang bench at experience pagdating sa playoffs.

Ang 33-gulang na si McGrady ay isang seven-time NBA All-Star na na-draft bilang ninth overall no­ong 1997. Sa kanyang 938 career NBA games, nag-ave­rage si McGrady ng 19.6 points, 5.6 rebounds, 4.4 assists at 1.21 steals per game.

Sa 44 playoff games, siya ay may average na 25.2 points, 6.3 rebounds, 5.5 assists at 1.16 steals.

Lumaro siya para sa Toronto, Orlando, Houston,  New York Knicks, Detroit at Atlanta sa kanyang career. Kamakailan ay lumaro siya para sa Qingdao ng Chinese Basketball League at nag-average ng 25 points at 7.2 rebounds sa 29 games.

Hindi sinabi ng team ang mga detalye ng kontrata.

Show comments