14 3yo Colts, Fillies maglalaban-laban

MANILA, Philippines - May 14 tatlong taong gulang na colts at fillies ang magpapakitang-gilas sa pag-larga bukas ng dalawang Dr. Aurelio P. Reyes Stakes Races sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sa bilang na ito, walo ang magtatagisan sa fillies kasama ang dalawang coupled entries at mangunguna sa nagpatala ang mahusay na Cat’s Silver.

Ang kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos  ay muling gagabayan ni Jonathan Hernandez at inaasahang magiging paborito sa kanyang hanay.

Ang iba pang kasali ay ang Balbonic na hawak ni Val Dilema, Congregation (AB Alcasid Jr.) at coupled entry na Gee’s For Victory (RG Fernandez), Dream Of All (P Dilema) at Five Star (JB Guce), Mrs. Teapot (JB Bacaycay) at Pyjama Strikes (FM Raquel Jr.)

Isinali ni Ruben Dimacuha ang mahusay na Be Humble na gagabayan ngayon ni Jeff Zarate at siyang itinuturo bilang paborito sa karera dahil sa di pag-lahok ng El Libertador ni Abalos.

Ang mga hahamon ay ang Alta’s Finest (RG Fernandez), Azimuth (P Dilema), Balatkayo (JA Guce), Basic Instinct (JB Guce) at Jazz Connection (FM Raquel Jr.)

Inilagay ang karerang ito sa 1,600m distansya at magsisilbing huling tune-up para sa mga nagbabalak na sumali sa 2013 Triple Crown Championships na lalarga simula sa buwan ng Mayo.

Show comments