MANILA, Philippines - Pinatotohanan ng China ang naunang ipinangakong tulong na makabagong kagamitan sa palakasan nang pormal na ibinigay ito kamakalawa sa Philippine Sports Commission (PSC).
Si Cultural Counselor Pan Feng ng People’s Republic of China ang nanguna para sa China na nagsagawa ng turnover ceremony sa Philippine Sports Commission (PSC) na pinangunahan ni chairman Ricardo Garcia.
“I want to contribute to the development of Philippine Sports. Last year, the two countries celebrated the Philippine-China Exchange Year and this is part of the celebration,†wika ni Pan.
Noong nakaraang taon pa nangako ang China na magbigay ng sports equipment ngunit naudlot ito dahil sa isyu sa Spartly Island.
Sinaksihan ang sere-monyang ginawa sa lobby ng PSC Administration Building nina POC treasurer Julian Camacho at PSC executive director Atty. Guillermo Iroy at ang mga sports na athletics, wushu, table tennis at weightlifting ang binigyan ng mga bagong kagamitan tinatayang P5M ang halaga.