BANGUI, Ilocos Norte , Philippines -- Sisimulang idepensa ni Baler Ravina ng 7-Eleven Roadbike Phi-lippines ang kanyang individual title sa pagpad-yak ngayong umaga ng Le Tour de FiliÂpiÂnas.
“Siyempre, kaila-ngan nating maidepensa ‘yung korona kasi tayo ang host,†sabi ni Ravina, makakasama sa 7-Eleven Roadbike team sina John Lexer Galedo, Ericson Obosa, Ronnel Hualda, Harvey Sicam, Ryan Tugawin at Roberto Querimit.
Ang Stage One ay may distansyang 175.5 mula Bangui hanggang Aparri, Cagayan, habang sa Stage Two bukas ay may kabuuang 196 kms distansya papuntang CauaÂyan, IsaÂbela at ang Stage Three ay isang 104-km race patungong Ba-yombong, Nueva Vizcaya.
Sa Stage Four, isang mahirap na 133.5 kms na labanan muÂla sa Bayombong hanggang Baguio City ang magdedeÂterÂmina kung sino ang kokopo sa individual at team titles.
Inaasahang gagawa ng eksena ang No. 1 cycling team sa Asya na Tabriz Petrochemical Cycling Team ng Iran.
“Sa Iran ang akala natin malamig sa kanila. Eh mas sanay pa nga sila sa mainit eh. So hindi rin magiging advantage para sa atin ‘yung mainit na panahon kasi nga sanay din sila sa kahit na anong weather condition,†ani American Vinyl coach Renato Dolosa sa mga Iranian riders.
Ang huling torneong dinomina ng Tabriz Petrochemical ay ang five-day Brunei Cycling Championship noong Setyembre.
Ang mga continental teams na makikita sa aksyon ay ang Tabriz, Terrenganu CyÂcling (Malaysia), OSBC Singapore (Singapore), CCN Cycling Team (Taiwan), Synergy BaÂku Cycling Project (Azerbaijan) at Polygon Sweet Nice (Ireland).
Ang mga foreign club teams ay ang Perth Cycling (Australia), Team Direct Asia (Hongkong), Atilla Cycling Club (Mongolia) at Korail Cycling Team (Korea), habang ang mga local squads ay ang LBC-MVPSF Cycling Pilipinas, 7-Eleven-Roadbike, Navy-Standard InsuÂrance, Marines-Standard Insurance at American Vinyl.