MANILA, Philippines - Walang prediksyon na ibinigay si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. kaugnay sa kanilang unification fight ni Cuban Guillermo Rigondeaux.
Pero kumpiyansa siyang kaya niyang mapabagsak ang two-time Olympic Games gold medal winner.
“I am a fighter who is given a situation and reacts to that situation and whatever that may be I know I have the power and weapons,†wika ng 30-anyos na si Donaire sa kanilang upakan ng 32-anyos na si Rigondeaux sa Linggo (Manila time) sa Radio City Music Hall sa New York.
Inaasahang gagamitin ni Donaire, ang kasalukuyang WBO at IBF super bantamweight champion, ang kanyang matutulis na left hooks na nagpatumba na sa mga kagaya nina Vic Darchinyan, Fernando Montiel, Toshiaki Nishioka at Jorge Arce.
Ngunit hindi lamang ang left hook ang dapat pag-ingatan ni Rigondeaux kay Donaire, nasa isang 12-fight winning streak.
“It may be the left or it may be the right,†wika ni Donaire. “I know I have power in both hands and that’s what makes me scary. I have power from all angles and the overhands or I have the straight punches.â€
Kahapon ay idinaos ang kanilang pinakahu-ling press conference kung saan nagpormahan sina Donaire at Rigondeaux sa harap ng mga camera.
Nagtitigan sa ibabaw ng entablado sina Donaire at Rigondeaux na halos magpalitan na ng mukha.
Itataya ni Rigondeaux ang kanyang suot na WBA super bantamweight belt at kumpiyansang maaagaw kay Donaire ang mga bitbit nitong WBO at IBF titles.