Triple Crown race sa Mayo 18

MANILA, Philippines - Matapos ang buwan ng Abril ay magkakaro­on na ng kaunting linaw kung sino ang mga po­sib­leng palaban para sa prestihiyosong 2013 Tri­ple Crown Championship.

Sa Abril 14 ay itatakbo ang huling tune-up stakes races para sa mga three-year old horses na ga­gawin sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Ca­vite.

Tatawaging Dr. AP Re­yes II at III, ang mga ka­rerang ito ay bukas para sa mga fillies at colts na maglalaban-laban sa 1,600-metrong distansya.

Ang sukat na ito ang siyang distansya na pag­la­labanan sa 1st leg ng Tri­ple Crown Stakes Race sa Mayo 18 na gagawin sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Pinasarap ang karerang ito sa isinahog na P500,000.00 kabuuang prem­yo.

Ang mananalo ay mag-u­uwi ng P300,000.00 pero ang mas mahalaga rito ay ang momentum na bitbit pa­pasok sa pagbubukas ng 2013 Triple Crown Se­ries.

Noong nakaraang ta­on, ang kabayong Hagdang Bato ang lumutang sa mga edad tatlong-taong gulang na mga kabayo ma­tapos walisin ang tatlong yugtong karera.

Ang Horse of the Year no­ong nakaraang taon ang ikasiyam pa lamang na kabayo na nakawalis sa tatlong yugtong karera mula nang binigyang buhay ito noong 1978.

Ang iba pang Triple Crown champions ay ang Fair And Square (1981), Sky­walker (1983), Time Mas­ter (1987), Magic Show­time (1988), Sun Dan­cer (1989), Strong Ma­terial (1996), Real Top (1998) at Silver Story (2001).

Ang mga lahok ni Man­daluyong City Ma­yor Benhur Abalos, may-ari rin ng Hagdang Bato, na El Libertador at Cat’s Sil­ver ang mga maagang nagpapasikat sa kanilang ha­nay.

Ang Cat’s Silver ay na­nalo sa dalawang stakes ra­ces na Yabut Stakes II at Prieto Cup II habang hari ang El Libertador sa Pri­e­to Cup III.

Hindi magpapahuli ang Be Humble na tiyak na aani ng atensyon matapos kuminang sa Yabut Stakes III at sa prestihiyosong Philracom Commissioner’s Cup na kung saan ang hiniya ng kabayo ay ang El Libertador.

Tumataginting na P1.8 milyon ang mapapanalunan sa bawat leg ng Triple Crown.

 

Show comments