MANILA, Philippines - Maikli ang naging biyahe ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia sa Brazil, Argentina, Spain at United States kaugnay sa paghingi ng tulong para sa kanilang programa.
Ngunit ayon kay Garcia, marami siyang natuklasan hinggil sa paggamit ng naturang mga bansa ng pinakabagong teknolohiya sa larangan ng sport.
Ayon kay Garcia, hihilingin niya sa sports leader ng Brazil, Argentina at Spain na magpadala ng football coach sa ha-ngaring mapalakas ang football program ng bansa na binabanderahan nga-yon ng Philippine Azkals.
“Sa Brazil, they have their own farm of football players na pipili ka na lang kung sino ang gusto mong kuning player for your team,†wika ni Garcia kahapon. “Bata pa lang talagang sinasanay na nila to become a football player.â€
Sinubukan din ni Garcia na maghanap ng mga Fil-Foreign football players sa Brazil, Argentina at Spain ngunit wala siyang nakita.
Sa United States naman, partikular na sa San Diego, ay nakita ni Garcia ang milya-milyang kalamangan ng nasabing bansa sa Pilipinas kung ang mga makabagong teknolohiya sa sports ang pag-uusapan.
“Makikita mo sa isang sports center sa San Diego ‘yung pagtibok ng puso, galaw ng mga muscles ng isang athlete through a big monitor,†sabi ni Garcia.
Umaasa si Garcia na makakakuha sila ng coach mula sa Brazil, Argentina, Spain at US na siyang magbabahagi ng kanilang nalalaman sa hanay ng mga Filipino trainers.