Winner-take-all napanalunan

MANILA, Philippines - Umulan ng milyones sa dalawang karerahan no­­ong Biyernes at Sabado nang mahagip muli ang Win­ner-Take-All na pi­nag­­labanan.

Sa bagong racing club na Metro Turf Club sa Mal­var, Batangas nagtagi­san ang mga mahuhusay na kabayo noong Sabado at hindi lamang isa kungdi da­lawang masuwerteng ma­nanaya ang pinalad na ma­ging mga kauna-una­hang milyonaryo sa WTA sa nasabing pista.

Nagpahirap sa karera ang pagkapanalo ng mga de­hadong Hey Jude at Sure Class sa races four at five.

Pinakadehadong nanalo sa gabi ang Hey Jude na naghatid ng P99.00 sa win at ang tinalo ay ang South Pearl para sa P1,398,00 di­bidendo sa 11-4 forecast.

Ang Sure Class na na­na­ig sa mas pinaborang Vi­na Anika ay nagpama­ha­gi ng P74.00 sa win at P66.00 sa 5-4 forecast.

Pero sa kinalabasan sa dalawang Winner-Take-All, sinuwerte ang dalawang dehadista na nakuha ang tamang kumbinasyon upang masolo ang dibi­den­do sa una at ikalawang WTA.

Umabot ang premyo sa P1,784,579.20 ang dibi­dendo sa 1st WTA na bi­nuo ng kum­binasyong 5-4-5-11-5-5-2, habang may P1,105,613.20 prem­yo ang napanalunan ng ma­nanayang nakuha ang ta­mang ruta na 5-5-2-5-6-3-11.

Ang dalawang sinu­wer­teng mananaya ang nag-akyat sa apat na ka­rerista na naging milyonaryo sa pagtangkilik sa ka­rera sa huling tatlong araw.

Noong Biyernes, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay nai­uwi ng isang kareris­ta ang P1,168,085.00 dibidendo sa 2nd WTA na bi­nuo ng mga numerong 8-7-4-2-5-11-9.

Ang unang WTA ay na­uwi naman sa carry-over na P1,374,184.93 sa kum­binasyong 13-6-8-7-4-2-5.

Napasimulan ang pa­mamahagi ng milyong pi­so dibidendo sa horse ra­cing noong Huwebes ng gabi nang suwertehin ang isang tumatangki­lik na naibulsa ang P4,510,824.60 dibidendo matapos tamaan ang WTA na 5-3-8-4-9-4-7.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na apat na ka­rerista ang tumama ng mil­yones sa WTA.

 

Show comments