Laro ngayon (The Arena, San Juan City)
1 p.m. – Opening Ceremony
2 p.m. – Ateneo vs UST
4 p.m. Arellano vs National University
MANILA, Philippines - Masusukat ang lakas ng Ateneo at UST sa pagtutuos ng dalawang koponan sa pagsisimula ng 10th Shakey’s V-League First Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-2 ng hapon matapos ang simple pero makabuluhang opening ceremony sa ganap na alauna ng hapon na kung saan sina San Juan City Mayor Guia Gomez at IOC representative sa Pilipinas Frank Elizalde ang inimbitahan bilang mga panauhing pandangal.
Ang Lady Eagles at Tigresses ang nagtuos sa finals sa nagdaang edisyon at pareho pa ring matitikas ang kanilang line-up upang tumayong paborito pa rin sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may suporta ng Shakey’s Pizza.
Sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet at Jem Ferrer ay magbabalik para sa Ateneo at makikipagtulungan sila ngayon kina Rachel Ann Daquis at Leal Patnongon na kanilang mga guest players.
Makakatapat nila sina Maruja Banaticla, Maika Ortiz at Ma. Carmela Tunay para sa Tigresses na pinalakas sa pagdating ng mga dating UST players na sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo para palakasin ang paghahabol sa ikapitong titulo sa ligang may suporta rin ng Accel at Mikasa.
Ang mananalo ay pansamantalang mangunguna sa Group A na inaaniban din ng San Sebastian, Letran at La Salle-Dasmariñas.
Ang ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon ay sa pagitan ng National University at Arellano.
Ipaparada ng Lady Bulldogs ang pinakamataas na blockers sa katauhan ng magkapatid na sina 6’2†Dindin Santiago at 6’4†Jaja Santiago na kanilang guest player.
“We feel that our opening day games will set the tone for this year’s title chase- tight, fierce and down-to-the-wire,†wika ni Sports Vision chairman Moying Martelino.
Ang Adamson, NCAA champion Perpetual Help at University of San Carlos-Cebu ang iba pang koponang kasali na nasa Group B.