Bosh nanakawan ng $340K

MIAMI – Habang nasa labas si Miami Heat star Chris Bosh at nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa Morocco-themed party na may mga buhay na  camels, sinabi ng pulisya na nanakawan ng $340,000 halaga ng mga alahas  ang kanyang di kalayuang bahay.

Sinabi ni Miami Beach police spokesman Bobby Hernandez na nakatanggap ang departamento ng tawag dakong alas-12:30 ng umaga nang makabalik sa bahay ang pamilya ni Bosh mula sa party sa bayside ng Miami.

Sinabi ni Hernandez  na nakita ng mag-asawa na bukas ang lagayan ng kanilang mga alahas at mara-ming nawalang relo, singsing at iba pa.

Show comments