Irving mawawala uli ng dalawang game

ATLANTA -- Dalawang laro ang iuupo ni Cleveland Cavaliers point guard Kyrie Irving para sa pagpapagaling ng kanyang napuwersang left shoulder.

Plano ng mga Cleveland officials na huwag pag-laruin ng dalawang sunod na game si Irving para sa Cavs (22-50) na natalo ng walong sunod at may natitira pang 10 laban.

Noong Linggo ay naglaro si Irving matapos magpahinga ng walong dikit na laro bunga ng kanyang sprained left shoulder.

Sa nasabing 92-112 kabiguan ng Cavaliers sa New Orleans Hornets, umiskor si Irving ng 31 points at nagtala ng 6 assists.

Binabanderahan ng 21-anyos na si Irving ang Cleveland mula sa kanyang 23.2 points per game at 5.7 assists, ngunit nahirapan dahil sa kanyang mga injuries sa kanyang unang dalawang NBA seasons.

Nagkaroon siya ng fractured left index finger, isang hyperextended right knee at shoulder injury ngayong season.

“He said he feels good; I expected him to say that. I thought he played pretty good (Sunday) night . . . I thought he got tired, which is understandable,’’ wika ni Cavs coach Byron Scott. “He didn’t lobby this time. Back-to-back games, he’s not going right now.’’

 

Show comments