Esguerra, Abalos balikatan

MANILA, Philippines - Balikatan ang labanan nina Herminio Esguerra at Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa pangu­nguna sa hanay ng mga horse owners matapos ang buwan ng Pebrero.

Angat si Esguerra pe­ro hindi nalalayo si Aba­los na tila senyales na  ma­gandang tagisan ng dalawang nirerespetong horse ow­ners para sa taong ka­salukuyan.

Balansiyado ang puwesto na nakuha ng mga inilahok na ni Esguerra matapos makapagtala ng 16 panalo, 14 segundo, 4 tersero at 5 kuwarto puwesto para magkamal ng P2,301,118.24 na kita sa unang dalawang buwan.

Sinasandalan naman ni Abalos, ang nanalong Horse Owner of the Year noong 2012, ang tikas na ipi­nakita ng Hagdang Ba­­to at El Libertador pa­­ra makakubra ng P2,279,213.09 premyo sa pi­tong panalo, tatlong ter­sero at isang kuwarto puwestong pagtatapos.

Nasa ikatlong puwesto naman si Aristeo Pu­yat  at pinamumunuan ang siyam na may-ari ng ka­bayo na kumabig ng mahigit P1 milyong kita.

May 11 panalo, 7 segundo, 14 tersero at 12 ku­warto puwesto ang mga panlaban ni Puyat pa­tungo sa P1,691,237.00 na kinita.

Nasa ikaapat na puwesto si HS Aguilos sa P1,497,852.59 premyo mu­la sa 10 panalo, 11 se­gundo, 9 tersero at 7 ku­warto puwesto, habang si JA Lapus ang n­asa ika-limang puwesto sa P1,495,887.66 mula sa limang panalo, 12 segundo, 14 tersero at 10 ku­warto puwesto.

Si HL Neri ang nasa ika­anim na puwesto bitbit ang premyong P1,487,392.32, si Norberto Morales ang nasa ikapito sa P1,479,016.21, si LM Na­val ang nasa ikawalo sa P1,282,342.39, si FO Ver­gara ang nasa ikasiyam sa P1,188,885.81, na­sa pang-sampu si ER Tan sa P1,163,368.70 at ang ika-siyam na horse owner ay ang Jade Bros. Freight sa P1,091,594.84.

Show comments