Nowitzki nagbida sa Mavs laban sa Clippers sa OT

DALLAS -- Umiskor ng panalo ang Dallas Mave­ricks sa isa sa apat na bigating koponan patu­ngo sa Wes­tern Confe­rence Playoffs.

Kumolekta si Dirk No­­witzki ng season-high na 33 points, kasama di­to ang unang walo sa over­time, para igiya ang Mave­ricks sa 109-102 pa­nalo kontra sa Los Angeles Clippers noong Martes ng gabi.

Nasa likod ng Los An­­geles Lakers ang Mave­ricks pa­ra sa huling play­off spot sa Western Con­ference kung saan may 11 pang laro ang na­titira.

Ito ang pang-siyam na tagumpay ng Dallas sa ka­­nilang huling 12 asig­na­tura.

“We’ve fought an up­hill battle all season long,” wi­ka ni Nowitzki na humakot din ng 9 rebounds. “Ho­nest­ly, we’re pla­ying the best basketball we have all season. So we gotta keep this momentum going.”

Dinuplika naman ni Chris Paul ang pro­duksyon ni No­witzki para sa Clippers, hindi nakaiskor sa huling apat na mi­nuto sa overtime.

Nauwi ang laro sa over­time matapos ang ma­gulong huling limang segundo sa regulation period.

Tumipa ng isang go-ahead layup si Paul para sa Clip­pers na sinagot ng basket ni O.J. Mayo sa pa­nig ng Mavericks para sa 97-97 pagtatabla sa nalalabing 0.6 segundo.

Bagama’t sumenyas si coach Vinny Del Negro ng timeout, hindi ito sinu­nod ng Clippers.

Inilagay ni Nowitz­ki ang Dallas sa unahan, 101-100, mula sa kanyang jumper.

Huling nakaiskor ang Clippers sa 4:10 mula sa isang free throw ni DeAndre Jordan.

Kapos ang tirada ni Matt Barnes para sa Clippers sa 3-point line sa hu­ling 22 segundo.

Sa Boston, kumabig si J.R. Smith ng 32 points mula sa bench at umiskor si Carmelo Anthony ng 29 para igiya ang New York Knicks sa 100-85 pa­nalo laban sa Boston Cel­tics.

Sa Detroit, tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Pistons, 105-82.

 

Show comments