Philippine Azkals sasagupa sa Cambodia sa AFC Challenge Cup Group E Qualifiers

Laro Ngayon

(Rizal Memorial Football Stadium)

7:30 p.m. Philippines vs Cambodia

 

MANILA, Philippines - Makikilatis ang bangis ng pinalakas na Philippine Azkals sa pagharap sa Cambodia sa pagpa­p­a­tuloy ng 2014 AFC Chal­lenge Cup Group E Qualifiers ngayong gabi sa  Rizal Memorial Football Stadium.

Tatapak ng pitch ang  home team sa ganap na alas-7:30 ng gabi at hanap ang magandang panimula sa kampanya na magba­ba­lik sa Azkals sa Challenge Cup tournament pro­per sa Maldives sa su­sunod na taon.

Ang Cambodia ay galing sa 0-7 pagkakadurog sa kamay ng Turkmenistan sa pagbubukas ng kompetisyon noong Bi­yernes at tiyak na gagawin nila ang lahat ng ma­kakaya para maipanalo ang larong ito at manati­ling nasa kontensyon.

“It is clear that we will go at full power and strength against Cambo­dia,” wika ni Azkals German coach Hans Michael Weiss.

Itinuturing bilang pi­nakamalakas na national football team ang nabuo para sa torneo dahil lahat ng mga mahuhusay na Fil-Foreigners ay nasa ko­ponan kasama ang mga ba­tikang local players.

Sina Neil Etheridge at Roland Muller ang mag­sasalitan bilang goal keepers, habang nasa ko­po­nan din sina Stephan Schrock, Angel at Juan Lu­is Guirado, Dennis Ca­gara at Rob Gier.

Isinama rin ang baguhan pero mahusay na si Ja­vier Patino, habang ang magkapatid na sina Phil at James Younghusband.bu­kod pa kay Chieffy Ca­ligdong, ang mangungu­na sa locals.

“We are fully fresh, that puts them on a high pres­sure. The opponent will be tired since they will only have 48 hours to recover. Hopefully we get good scoring opportu­nities at the start of the  match,” dagdag ni Weiss.

Mahalaga ang makukuhang panalo dahil mag­sisilbing momentum ito para sa importanteng ta­gi­san ng Pilipinas at Turkmenistan sa Martes para sa kampeonato ng torneo.

“They are well organized and you can see they have good quali­ty plays,” ani Weiss laban sa Turk­menistan.

 

Show comments