MANILA, Philippines - Mas pinalakas ang Phi-lippine Azkals na isasabak sa AFC Challenge Cup qualifiers na magsisimula sa Biyernes sa Rizal Memorial Football Stadium.
Ang koponan ay kabibilangan ng mga pros mula sa overseas na dara-ting kasama ang bagong Fil-Spanish recruit na si Javier Patiño.
Si Patiño, mahusay na striker na nakilala na sa Cordova FC sa second division ng La Liga, ay mag-de-debut sa Azkals uniform sa Mar. 22-26 tourney.
Makakasama niya ang mga Europe-based pros na sina Stephan Shrock, Dennis Cagara, Jerry Lucena, Neil Etheridge, Paul Mulders, Rob Gier, Angel, Juani Guirado, Roland Muller at ang mga nandito sa Pinas na sina James Younghusband, Chieffy Caligdong, Jason de Jong, Marwin Angeles, Misagh Bahadoran, Carli de Murga, OJ Porteria, Chris Greatwich, Jeff Christians, Patrick Reichelt, Matt Uy at Ed Sacapaño sa 23-man pool na binuo ng federation.
“We’re always trying to get the best out of the players and win the matches. The best team is only the team that wins. It’s a very good selection, we have all the professional players available,†sabi ni Azkals coach Michael Weiss.
Ang bagong kuhang si Patiño mula sa Thai team na Buriram United, ay umiskor ng 10 goals sa dalawang taong paglalaro sa Cordova, ang siyang magpapalakas sa Azkals.
“Patiño is definitely a top player in the Southeast Asian level, even in the Asian level. But it is a team sport and it takes time to connect with the other players. We should give him time. We know that we can expect something but perhaps not the best yet,†sabi ni Weiss.
Ang Azkals ang host ng Group E sa qualifying tournament ng 2014 Challenge Cup sa Maldives.
Makakalaban ng mga Pinoy booters ang Brunei sa Biyernes ng gabi kasunod ang Cambodia sa Linggo at Turkmenistan sa Martes ng gabi at layunin nilang manguna sa grupo para makausad sa main draw sa Maldives.