MANILA, Philippines - May tsansa pang mu-ling makalaban ni Manny Pacquiao ang isa man kina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley, Jr. bago matapos ang taon.
Ito, ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, ay magiging depende sa resulta ng mga nakatakdang laban nina Bradley at Brandon Rios.
Idedepensa ni Bradley (29-0-0, 12 KOs) ang kanyang hawak na World Boxing Organization welterweight crown kontra kay Russian challenger Ruslan Provodnikov (22-1-0, 15 KOs), nagsilbing sparmate ni Pacquiao, sa Marso 16 sa Home Depot Center sa Carson, California.
Muli namang maghaharap sina Rios (31-0-1, 23 KOs) at Mike Alvarado (33-1-0, 23 KOs) sa isang rematch sa Marso 30.
Tinalo ni Bradley si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) via split decision para agawin sa Filipino world-eight division champion ang dating suot nitong WBO belt bago ang kanyang sixth-round KO loss kay Marquez (55-6-1, 40 KOs) sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Dis-yembre, 8, 2012.
“Well, first Timothy Bradley has to beat (Ruslan) Provodnikov. If he beats Provodnikov and Rios beats Alvarado, then we’ll see what Manny and Marquez will do,†wika ng 81-anyos na promoter. “So I got four guys and we’ll mix and match.â€
Kung mapaplantsa ang pang-limang pagkikita nina Pacquiao at Marquez sa Setyembre, itatakda ni Arum ang salpukan nina Bradley at Rios.
“If Manny and Marquez won’t fight this year, one of them can fight Bradley and the other can fight Rios. So we got a lot of options here,†sabi ni Arum.