Stoudemire naoperahan, Anthony lumaro na sa Knicks

OAKLAND, Calif. – Inoperahan na si New York Knicks big man Amare Stoudemire sa kanang tuhod, ayon sa Knicks nitong Lunes at inaasahang mawawala ito ng hindi bababa sa anim na linggo.

Nagbalik si Carmelo Anthony sa starting line-up ng New York sa laban kontra sa Golden State  nitong Lunes matapos hindi makalaro sa huling 3-games dahil sa naninigas at namamagang kanang tuhod.

Ang dating Knicks forward na si David Lee ay nasa-starting lineup para sa Warriors makaraang di makalaro sa pagkatalo ng team kontra sa Milwaukee dahil sa namagang kanang tuhod.

Hindi sumalang si Stoudemire sa unang 30 games ngayong season matapos sumailalim sa parehong operasyon na tinatawag na debridement, sa kaliwang tuhod noong preseason bago lumaro sa unang pagkakataon noong New Year’s Day at nag-average ng 14.2 points sa 29 games bilang reserve.

 

Show comments