MANILA, Philippines - Mga beteranong atleta sa mga palarong dagat ang matutunghayan sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival na ganapin sa March 16-17.
Lalahok sa dragon boat competition ang One Piece Drakon Sangress, Rogue Pilipinas, Triton Dragon Racing Teams, Amateur Paddlers Philippines, Maharlika Drakon, Blue Phoenix, Onslaught Racing Dragons, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Manila Ocean Park, Dragons Republik Philippines, Adamson Draconis Falco, RCP Sea Dragon, Cebu Dragons, Lake Buhi at Buhi-Camsur Team.
Dadayo naman upang maglaban-laban sa stock at formula races ng bancathon ang batikang mga bangkero mula sa Pangasinan, Cavite, Quezon, Batangas, La Union, Negros Occidental, Navotas, Cagayan Valley, Surigao del Sur, Laoag, Misamis Oriental, Bina-ngonan at Iloilo.
Handog ng Manila Broadcasting Company, Star City at ng Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Seasports Festival ay inaasahang dudumugin ng mga manonood sa Baywalk.
Alas-otso ng umaga magsisimula ang mga karera. Ang 2013 Manila Bay Seasports Festival ay suportado ng Caltex, Ginebra San Miguel, Eveready, the Social Security System, MyJuiz, Cobra Energy Drink, M. Lhuillier, Silka Papaya Soap, Manila Ocean Park, at Cord Marine Epoxy.