Lee ng Warriors nabugbog ang tuhod

OAKLAND, Calif. – Hindi lumaro si David Lee sa laban ng Golden State kontra sa Milwaukee Bucks nitong Sabado ng gabi dahil sa bugbog na kanang tuhod.

Sinabi ng All-Star forward bago ang laro na umaasa siyang mawawala ang pamamaga para makalaro ito nitong Lunes kontra sa New York Knicks.

Nagka-injury si Lee nang tumama ang kanyang tuhod kay Thomas Robinson sa huling 4:36 minuto ng first quarter sa 94-88 pagkatalo ng Golden State kontra sa Houston noong Biyernes.

Lumaro siya sa second half  na may suot na puting wrap around sa tuhod.

Hindi rin lumaro si Bucks forward Ersan Ilyasova kontra sa Warriors dahil sa injury sa kaliwang tuhod na nangyari sa 117-101 pagkatalo sa Los Angeles Clippers noong Miyerkules.

Sinabi ni Bucks coach Jim Boylan na nasa day-to-day ang status ni  Ilyasova.

Si Carl Landry ay nasa starting lineup para kay Lee, habang si Mike Dunleavy naman ang pumalit kay Ilyasova.

 

Show comments