MANILA, Philippines - Matapos matabunan ng kanyang mga mas sikat na stablemates, pumukaw na ng pansin ang isa pang ALA Boxing Gym fighter na si Merlito ‘Tiger’ Sabillo matapos umiskor ng impresibong eighth round TKO panalo kontra kay Colombia hometown idol Luis de la Rosa para kunin ang interim WBO minimumweight title nitong Sabado ng gabi (kahapon ng umaga sa Pilipinas) sa Coliseo Mario De Leon Cerete sa Cordoba, Colombia.
Bukod sa hatakin ang kanyang malinis na record sa 21-0 win-loss at itala ang ika-11 KO, nakakuha rin ang 29-gulang na si Sabillo ng mandatory shot laban kay reigning WBO 105-pound titlist Moises Fuentes ng Mexico.
May posibilidad na si Sabillo ang maidedeklarang regular champion kung mananatili si Fuentes sa light flyweigt division kung saan nabigo siyang kunin ang titulo bunga ng controversial majority draw laban kay two-division world champion Donnie ‘Ahas’ Nietes noong March 2 sa Waterfront-Cebu City Hotel and Casino.
“I’m very happy for him,†sabi ni ALA Promotions big boss Antonio ‘Bidoy’ L. Aldeguer. “Before he left, Sabillo promised me that he will do everything he can to win the title and I’m so proud he did it.â€
Pinuri naman ni Lee Bates, ang American agent ng ALA Promotions na naninirahan na ngayon sa Colombia, si Sabillo at sinabi pa nitong bumilib sa kanya ang mga Colombian fans kaya binigyan nila ito ng standing ovation pagkatapos ng kanyang panalo.
“Congratulations gentlemen for a job well done. It was an excellent win by Sabillo. I watched the fight live here in Colombia. They gave him a standing ovation and welcomed him to come back in July and fight again. Sabillo really was well prepared and impressed many including me by winning by TKO,†sabi ni Bates sa text message nito kay Aldeguer pagkatapos ng laban.