Parker mawawala ng 1-buwan dahil sa left ankle sprain

SAN ANTONIO  -- Mawawala si San Antonio Spurs guard Tony Parker ng isang buwan dahil sa sprain sa left ankle.

Nagka-injury si Parker, ang lider sa assists teamsa ankle sa third period noong Biyernes sa panalo ng koponan sa  Sacramento Kings.

Inihayag ng team nitong Sabado na nakita sa MRI ni Parker ang Grade 2 left ankle sprain at kailangang magpahinga ng tinatayang apat na linggo.

Si Parker ay nag-a-average ng 26.1 points at 8.3 assists nitong Pebrero at tumira ng 54 percent mula sa field.

Noong Biyernes ng gabi, sinabi ni Spurs coach Gregg Popovich na maganda ang inilalaro ni Parker  kumpara sa ibang mga guards ngayong season at mahihirapan ang team sa kanyang pagkawala.

Show comments