Fisher kinuha ng Thunder

OKLAHOMA CITY  -- Pinapirma ng Oklahoma City Thunder si veteran Derek Fisher nitong Lunes para punan ang butas sa ikatlong point guard position na iniwan ni Eric Maynor matapos i-trade sa Portland.



Sasamahan ni Fisher ang Oklahoma City sa huling bahagi ng season sa ikalawang pagkakataon matapos lumaro ng 20 regular-season games kabilang ang 20 playoff games noong nakaraang season.

Hindi pa siya nakakalaro ngayong season matapos di makapirma bilang free agent noong offseason.



Nanalo si Fisher ng limang NBA champion-ships sa Los Angeles Lakers bago na-trade sa Houston noong nakaraang season at saka na-buy out ang kanyang contract.



Si Fisher ang presidente ng NBA Players Association na kamakailan lamang ay sinibak ang matagal nang executive director na si Billy Hunter.

Show comments