MANILA, Philippines - Hiniling ni National pistol champion Nathaniel ‘Tac’ Padilla sa Philippine Olympic Committee na ipagpaliban ang eleksyon ng shooting association (PNSA) na nakatakda sa Marso 2 dahilan sa isyu kung paano planong patakbuhin ni (PNSA) Comelec chairman Ronald Robles, ang eleksiyon.
Sa kanyang liham kay POC president Jose S. Cojuangco Jr. noong Pebrero 26, sinabi ni Padilla na hindi pa nailalatag ng PNSA-Comelec ang pamamaraan ng pagnomina sa eleksyon.
Sinabi pa ni Padilla na nagsumite si Robles sa POC ng isang master list ng mga botante kahit na walang basbas ang PNSA president o ang secretary general na labag sa POC rules.
Ang listahan din ni Robles ay iba sa inaprubahan ng PNSA Board.
Ayon kay Padilla, kailangan nang umaksyon ang POC sa nangyayari sa PNSA.
Sinabi pa ni Padilla na dapat nang maresolbahan ang mga isyu bago ang eleksyon.
“Let the interest of a few prevail over the interest of the majority,†wika ng National champion.
Noong Pebrero 22, sinagot ni Padilla ang mga isyung ibinabato sa kanya ng ilang miyembro ng PNSA at ang babala ni Robles na aalisin ang kanyang pangalan sa listahan ng mga nominees sa pagsasabing “the issues are inaccurate, malicious and downright devious.â€
Ang isa dito ay ang pag-impluwensya umano ni Padilla sa officiating panel para matiyak ang panalo ng kanyang shooter at ang pagpaparami ng regular voting members sa pamamagitan ng kanyang posis-yon bilang chairman ng PNSA membership committee. Ang lahat ng ito ay sinagot ni Padilla.
Ang hindi lamang nagawa ng Comelec chairman ay ang bigyan si Padilla ng kopya ng ‘rules and procedures.