MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng NLEX Road Warriors na makahinga pa ang Cagayan Valley nang kunin ang 82-71 panalo at ibulsa na ang PBA D-League Aspirants’ Cup na idinaos kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Umarangkada agad ang Road Warriors sa 11-0 panimula bago kinakitaan ng bangis sa depensa at rebounding upang pawiin ang tangkang pagbangon ng Rising Suns na nakita ang kanilang coach na si Alvin Pua na napatalsik sa 4:42 sa second period dahil sa pagpatid sa referee.
“May epekto ang pangyayari sa amin dahil ang energy level namin bumaba. Nagbago ang timpla ng laro namin kaya pinagalitan ko sila at sinabing hindi pa tapos ang laban. Mabuti naman at nagrespond sila,†wika ni NLEX coach Boyet Fernandez na may apat na sunod na titulo sa liga.
Si Garvo Lanete ay mayroong 17 puntos bukod sa 7 rebounds at 3 assists habang si Borgie Hermida ay may 10 puntos at 6 assists.
May 9 puntos, 7 rebounds at 4 blocks si Ian Sangalang habang si Jake Pascual ay humatak ng 13 rebounds para tulungan ang NLEX na manaig sa rebounding, 54-36.
“This is a sweet victory. Di tulad sa naunang titles namin, hindi kami agad nagkasama-sama dahil may mga commitment ang ibang players tulad sa Gilas at may mga injuries. But they wanted to finish it at ngayon ay magkakasama-sama kami para i-celebrate ang panalo,†dagdag pa ni Fernandez.
Muling ibinandera ang Rising Suns ni Eliud Poligrates sa kanyang 21 puntos ngunit ang maagang pagkakaiwan sa kanila ng NLEX ay inin-da nila upang masayang ang tangkang pagbangon sa huli.
Ang mga free throws nina Mark Bringas at Edrian Lao ang naglapit sa Rising Suns mula 18 puntos tungo sa pito, 61-54, sa pagbubukas ng hu-ling yugto.
Maluwag naman sa loob ng Cagayan na tanggapin ang ikalawang puwestong pagtatapos.