Isyu sa volleyball tatalakayin sa PSA

MANILA, Philippines - Ang kasalukuyang kontrobersiya sa Philippine volleyball ang siyang pangunahing tatalakayin nga-yon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Ipapaliwanag nina Vangie de Jesus at Dr. Adrian Laurel, ang suspindidong secretary general at board member ng Philippine Volleyball Federation (PVF), ang kanilang panig ukol sa isyu sa pagpapa-tryout para sa National women’s team na sanhi ng kanilang  suspension.

Panauhin din si women’s world bodybuilding champion Luz McClinton sa alas-10 ng umagang  public sports program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918.

 

Show comments