Tuloy ba o hindi?

Tanong ngayon ng marami: ano ba talaga?

Matutuloy ba o hindi ang Pacquiao-Marquez V?

Sigurado na ba ang Donaire-Rigondeaux bout?

Pag-usapan muna natin ang Pacquiao-Marquez V.

Matutuloy ba ito o hindi?

Sinabi na ni Marquez na ayaw na niyang labanan si Pacquiao sa ikalimang pagkakataon.

Bakit pa nga ba naman? Eh ang ganda ng pagkapanalo niya kay Pacquiao sa kanilang huling laban.

Pinabagsak niya si Pacquiao na una ang mukha. Ilang minutong walang malay si Pacquiao.

Wala na raw siyang dapat patunayan.

Pero itong si Bob Arum ng Top Rank Promotions, naniniwalang kaya niyang plantsahin ang laban na ito.

Sayang nga naman ang kikitain. Di hamak na mas malaki pa ang kikitain ni Marquez kung lalabanan niya uli si Pacquiao.

Kumita si Marquez ng $6M sa kanilang huling laban, malayo sa $22M ni Pacquiao. Matapos ang kanyang 6th round KO kay Manny, lalong mas malaki ang kanyang kikitain.

Sabi nga eh, ‘if the prize is right’... tuloy ang laban…

***

Ano naman kaya ang problema nitong si Guil-lermo Rigondeaux?

Hindi malaman kung gusto talaga niyang labanan si Nonito Donaire o hindi.

Ang tagal bago niya ibigay sa VADA (Voluntary Anti-Doping Agency) ang form na may pirma niya para sa random drug test.

Sa tingin ng kampo ni Donaire, nambibitin ang kampo ni Rigondeaux na sumang-ayon na sa VADA testing sa negosasyon, pero ngayon ay parang umuurong.

 

Show comments