Omri Casspi naoperahan sa appendix

CLEVELAND – Nanatili si Cavaliers forward Omri Casspi sa ospital sa Florida matapos operahan para tanggalin ang appendix.

Dinala si Casspi sa Orlando Regional Medical Center noong Sabado matapos magreklamo ng pa-nanakit ng tiyan.

Sinabi ng Cavs na na-diagnose siya na may acute appendicitis at inoperahan.

Pinanatili pa sa ospital si Casspi ng isang gabi para ire-evaluate nitong Linggo.

Tinalo ng Cavaliers ang Magic, 118-94 noong Sabado na hindi kasama si Casspi, isang role player na may average na 4.0 points at 2.2 rebounds per game.

Si Casspi ay nasa kanyang ikalawang season sa Cavs matapos manatili ng dalawang seasons sa Sacramento.

Ang Cavs ay nasa Miami sa Linggo para harapin ang Eastern Conference-leading Heat at ang dati nilang teammate na si LeBron James.

Show comments