MANILA, Philippines - Pagkatapos ibangko sa unang apat na laro ng Meralco sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup, ginamit din sa wakas si Sunday Salvacion – pero pang-depensa lang sana sa halos hindi mapigilang si Gary David ng Globaport.
Pero bukod doon ay mas marami pang ginawa si Salvacion, ang huli ay isang buzzer-beating three-point shot na tumapos sa three-game losing streak ng Bolts.
Sa laki ng impact na ginawa ni Salvacion, hindi nakapagtatakang siya ang nahirang na Accel Player of the Week ng PBA Press Corps para sa linggong Feb. 18 hanggang 24.
Nagtapos ng may 20 points mula sa 6-of-7 shooting sa three-point range si Salvacion sa naging 90-89 panalo ng Meralco sa Batang Pier, ang kanyang unang laro sa conference.
Kulang na lamang ay magsisi si head coach Ryan Gregorio sa kanyang desisyong ibangko si Salvacion sa unang apat na laro ng Bolts sa conference. Baka hindi pa sila napunta sa three-game losing streak kung maaga-aga niyang ginamit si Salvacion.
“A great lesson for me, that Sunday should be part of our rotation,†pag-amin ni Gregorio, na tuwang-tuwa sa kanyang naging desisyon na gamitin na sa wakas 10-year veteran.