So nakisalo sa liderato sa Reykjavic Cup

MANILA, Philippines - Tinalo ni Filipino Grand­master Wesley So (ELO 2684) si Chinese In­ter­national Master Wei Yi (ELO 2501) para ma­kisalo sa liderato sa fifth round ng 28th Reykjavik Open chess championships sa Harpa, Iceland no­ong Sabado.

Itinala ni So ang total 4.5 points kagaya ng na­itala nina GM Pavel El­janov ng Ukraine, GM Ma­xime Vachier-Lagrave ng France, GM Yu Yang­yi ng China, GM Anish Gi­ri ng Netherland, GM Ivan Cheparinov ng Bul­ga­ria at GM Grzegorz Ga­jewski ng Poland.

Tabla si Eljanov kay Vachier-Lagrave at mag­kahati sa puntos sina Ga­jewski at Yu.

Nanalo naman si Giri kay GM Alexander Ipatov ng Turkey at namaya­ni si Cheparinov kay GM Ste­fan Kristjansson ng Iceland.

Sa sixth round, maka­ka­laban ni Yu si Giri, ha­bang makakatapat ni Vachier-Lagrave si So.

Makakalaban ni Che­pa­rinov si Eljanov at ka­­duwelo naman ni Ga­jewski si GM Bartosz Socko ng Poland.

Si Socko ay tabla kay GM Vladimir Baklan ng Ukraine sa magkapareho nilang 4.0 points.

 

Show comments