MANILA, Philippines - Kailangang ayusin muna ng ABAP ang kanilang alituntunin hinggil sa mga kasapi na puwedeng bumoto bago sila makakapagdaos ng eleksyon.
Isiniwalat ni POC 1st Vice President at membership committee chairman Joey Romasanta ang ginawang pagpapalit ng pangalan ng ABAP mula sa dating Amateur Boxing Association of the Philippines tungo sa Association of Boxing Alliance of the Philippines.
Ginawa ito dahil nais ng international body na AIBA na alisin ang salitang amateur sa mga pangalan ng miyembrong bansa at ang bagong pangalan ng ABAP ay naitala na sa Securities and Exchanged Commission (SEC) dahil paso na ang dating rehistro.
Ang asosasyon na pinamumunuan nina Ricky Vargas at Manny V. Pa-ngilinan bilang pangulo at chairman, ay dapat na mag-e-eleksyon ngayong linggo sa Maasin, Leyte kasabay ng idinadaos na PLDT National Championships pero minabuti ng POC na huwag muna nilang ituloy ito.
“Kasama sa pagpaparehistro sa SEC ay ang bagong Constitution and By Laws ng samahan at nagkaroon ng pagbabago sa listahan ng mga boboto. Hindi ito puwede dahil ang mga nakaupong opis-yales ay iniupo gamit ang lumang listahan at Constitution,†ani Romasanta.
Kailangan munang ayusin ang bagay na ito tulad ng pag-amyenda sa batas hinggil dito bago pahintulutan ang eleksyon.
“In good faith naman si Mr. Vargas pero nais ng POC na maisaayos ang lahat para walang maging problema. ‘Pag pinahintulutan natin ito, baka ang mangyari ay dalawa ang maging ABAP at lalong magkaproblema,†sabi pa ni Romasanta.