MANILA, Philippines - Opisyal nang kinilala si Filipino formula race-car driver Marlon Stoc-kinger bilang Junior Driver para sa prestihiyosong Lotus F1 team.
Nanggaling si Stockinger sa pagkakapanalo sa 2012 GP3 Series sa Monaco noong nakaraang taon.
Makakasama ni Stockinger sa Lotus F1 team ang mga bagong hugot ding sina Marco Sorensen ng Denmark, Alex Fontana ng Switzerland, Oscar Tunjo ng Colombia, Esteban Ocon ng France, Alexander Albon ng Thailand at ni Adrian Boccolacci ng France.
Sila ay susuportahan ng Lotus F1 Team para sa kanilang mga driving skills, physical fitness, health and nutrition, social and mental development, business ethics and principals at PR training.
“It’s a great feeling to be associated with such a prestigious team. If you look back through the years as Benetton and Renault you can see that this team knows how to win championships, so to be surrounded by that heritage is a big honour for me,†ani Stockinger. “I really want to make the most of it and am looking forward to wearing the team colours with pride.â€
Nakatakdang sumabak si Stockinger sa World Series ng Renault.
“Motorsport can be very daunting for young drivers, particularly everything that occurs away from the track, so we hope to give our drivers the very bestpreparation possible for their future careers,†wika ni Lotus F1 Team Principal Eric Boullier.
Masisilayan si Marlon at ang buong Lotus F1 Team dahil dadalhin dito sa bansa ang isang Formula 1 car para sa Lotus F1 Roadshow sa May 3-5 sa mga kalye ng Manila.