MANILA, Philippines - Makikita ang pinakamahuhusay na 30 drivers sa off-road racing sa Iba, Zambales para sa two-day Third Gob. Jun Ebdane 4X4 Challenge na magsisilbing first leg ng National Association of Filipino Offroaders series na magdedetermina sa 2013 4X4 Driver of the Year.
Pinasinayaan kamakalawa ni Engr. Jun Rundstedt Ebdane, kinatawan ang kanyang amang si Gov. Hermogenes Ebdane, ang pagsisimula ng karera.
“This signifies that our province is now being re-cognized as ideal venues for sports tourism events, as the governor has been aiming for under his administration,†wika ni Ebdane sa opening ceremonies.
Ipapakita ng mga racers mula sa 11 probinsya at offroader organizations ang kanilang mga driving skills sa mga kursong nagtatampok sa eight-foot ruts, 15-foot 45-degree mounds, figure-8 turns at three-to four-foot wide trenches.
Ang Iba event ay una sa 12 legs na nakalatag sa 2013 circuit ng asosasyon.
Ang iba pang legs ay nakatakda sa Davao, Caga-yan, Dumaguete, Camarines Sur at Pampanga.