MANILA, Philippines - Itinuturing ni Cuban titlist Guillermo Rigondeaux na isang espesyal na laban ang kanyang pakikipagsuntukan kay unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa Abril 13 sa Radio City Music Hall sa New York City.
Kaya naman buo ang atensyon ng 32-anyos na two-time Olympic Games gold medal winner sa kanyang pagha-handa kontra sa 30-anyos na si Donaire.
“Right now, Rigondeaux is focused on this fight against Donaire, which is super important,†sabi ni Boris Arencibia ng Caribe Promotions kay Rigondeaux, ang kasalukuyang World Boxing Association king.
Itataya ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) ang kanyang mga suot na World Boxing Organization at International Boxing Federation titles, habang isusugal naman ni Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ang kanyang WBA belt.
Sakaling manalo kay Donaire, sinabi ni Arenci-bia na plano ni Rigondeaux na umakyat sa featherweight division para ma-ngolekta ng mga korona.
“After Donaire, we would then be willing to go against anyone at 126 pounds -- where we wouldn’t give away too much weight and also against anyone at 118,†wika ni Arencibia. “But I think right now, we can’t think anything more than the fight with Nonito (Donaire).â€
Bukod naman sa Radio City Music Hall, pinagpilian din ng Top Rank Promotions para sa Donaire-Rigiondeaux fight ang Home Depot Center sa Carson, California at ilang venue sa Te-xas kagaya ng Cowboys Stadium at Alamadome.
Sa Home Depot tinanggalan ni Donaire ng IBF super bantamweight title si South African Jeffrey Mathebula (26-4-2, 14 KOs) via unanimous decision noong Hulyo 17 at pinigilan sa ninth-round si Japanese superstar Toshiaki Nishioka (39-5-3, 24 KOs) noong Oktubre 13.
Nakita rin si Donaire sa The Theater sa Madison Square Garden sa New York kung saan niya ginulpi si Omar Narvaez (38-1-2, 20 KOs) sa kanilang bantamweight title fight noong Oktubre ng 2011.
Nakatakdang hirangin si Donaire bilang 2012 Boxing Writers Association of America (BWAA) Fighter of the Year sa Abril 11 sa New York.