2 3-YO Maiden 2 races ilalarga sa San Lazaro

MANILA, Philippines - Dalawang 3-YO Maiden 2 races ang magpapasigla sa pista sa San La-zaro Leisure Park sa Carmona Cavite ngayong gabi.

Parehong inilagay ang dalawang karerang nabanggit sa 1,400m at walang tulak-kabigin sa mga magtatagisan sa mga karerang ito.

Siyam na kabayo ang magsusukatan sa race 1 pero binigyan ng kaunting kalamangan ang Don Albertini at Star Avenger sa labanan.

Si Val Dilema ang didiskarte sa Don Albertini na pumangalawa noong Pebrero 2 sa Keep The Pledge  habang ang Star Avenger na dadalhin ngayon ni Pat Dilema ay pumangalawa rin noong Ene-ro 18 sa nakalabang Applause.

Ang Real Crispy na gagabayan ni WP Beltran at tumapos sa ikalawang puwesto sa karerang ginanap noong Enero, ay mapapalaban sa hamon ng Mucho Oro, Don Joaquin, Undisputable, Toscana, Pinas Paraiso at Ina-morata ang iba pang kasali na magtatangka ng panalo.

Mangunguna naman ang kaba-yong Ibiza sa race two na nilahukan din ng siyam na kabayo.

Ang naturang panlaban ay hawak ni Jessie Guce at minsan nang sumali sa isang Juvenile Stakes race na nangyari noong nakaraang taon.

Hindi man nakitaan ng gaanong kagandahan ang takbo bilang isang two-year old, maaari namang makapanorpresa ito  at maihanay ang sa-rili bilang palaban sa hanay ng mga 3-year old horses.

Ang iba pang kasali ay ang mga kabayong Batingaw, Bon Legacy, Stormy Dragon, Sure Class, Camry, Challenger, Big Boy Vito at Buzz Word.

Show comments