MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na bibisita ang Shanghai Sharks, ang Chinese Basketball League champion, sa Mayo para sa tune-up games sa Gilas Pilipinas.
“Definite na itong pagdating sa bansa ng Shanghai Sharks. They will have a tune-up with our National team on May 6, 7 and 8,†wika ni Garcia sa koponan ni dating NBA superstar Yao Ming.
Nauna nang nakansela ang pagbisita ng Sharks sa bansa para sa ilang exhibition game dahil sa pag-aagawan ng Pilipinas at ng China sa Scarbo-rough Shoal.
Pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas ang FIBA-Asia Men’s Championships na nakatakda sa Agosto 1-11 sa SM MOA Arena sa Pasay City kung saan ang Top 3 teams ang makakakuha ng tiket patungo sa 2014 World Championships sa Spain.
Sa plano, makikipag-laro ang Sharks, hindi pa alam kung isasama rin si dating NBA star guard Gilbert Arenas, sa isang PBA All-Star Selection Team sa Mayo 6 bago harapin ang Gilas Pilipinas sa Mayo 8.
Ang mga ibinilang ni head coach Chot Reyes sa 17-man training pool ay sina 6-foot-11 naturalized player Marcus Douthit, LA Tenorio, Gary David, Jeff Chan, Gabe Norwood, Sonny Thoss, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier at Jared Dillinger na bahagi ng team na naghari sa 2012 Jones Cup. Dagdag pa dito sina 6’8 Japeth Aguilar, Marc Pingris, June Mar Fajardo, Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ryan Reyes, Kelly Williams at Greg Slaughter.