MANILA, Philippines - Nadiskaril ang mga mananaya sa hangaring makakubra sa pinaglabanang Winner-Tak-All noong Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
May 1158 live units pa o 279 pa ang live tickets papasok sa huling karera nang makapanorpresa ang Superior Arch sa class division 4, race eight na inila-gay sa 1,200m distansya.
Si JA Guce ang hinete ng kabayo na nasalang sa unang karera sa taong kasalukuyan.
Ang halos isa't-kalahating pamamahinga ay tila nakatulong para ma-balik ang husay ng kabayo nang daigin ng Superior Arch ang mas napaborang Admiral Contender na may dalawang tersero puwestong pagtatapos sa huling dalawang takbo.
Lumabas bilang pinaka-dehadong kabayo na nanalo ang Superior Arch para magkaroon ng carry-over sa WTA na ikinadismaya ng mga puro sa Admiral Contender.
Ang carry-over ay nasa P2,019,826.70 habang ang Super Six ay nagkaroon din ng carry-over na P144,752.19.
Ang mga tumaya sa Superior Arch ay nabiyayaan ng P101.00 dibidendo sa win habang mas malaking P1,716.00 ang ibinigay sa 9-8 forecast.
Umabot sa halagang P4,156,022.00 ang benta sa WTA at unang nanalo ang Aranque sa race 2 na isang class division 6.
Pero nangalahati ang live ticket nang manalo ang Cataleyta sa race three na nakitaan ng kalat-kalat na benta.
Sa race six ay mahigit na apat na libo na lamang ang live matapos makapanorpresa ang Wings Beneath sa pagdadala ni El Blancaflor na dinomina ang imported-local handicap race na inilagay sa 1,300m distansya.
Pumalo sa P29.50 ang dibidendo ng nanalong kabayo habang ang tambalan ng tinalong Kis-sable Toys na 7-3 ay may P283.00 dibidendo.