MANILA, Philippines - Nagdesisyon si Kevin Alas, isa sa pinakamahusay na amateur players sa bansa, na huwag nang ilaro ang kanyang pang-lima at huling taon para sa Letran Knight sa darating na 89th season ng NCAA.
Mas pinili ni Alas, anak ni dating Letran head coach Louie Alas, na tutukan ang kanyang pagsasanay para sa cadet team ng Gilas Pilipinas II. Kasama ang kanyang amang si Louie, ang assistant coach sa Alaska Milk sa PBA, ipinagbigay-alam ni Alas ang kanyang desisyon kay Season 88 NCAA at Letran president-rector Fr. Tamerlane Lana, OP.
“I want to concentrate on the National team and I also want to give way to younger, equally talented players at Letran,†sabi ni Alas. “It was a tough decision for me but I really want to give my full commitment to National team duties,†dagdag pa ni Alas, hinirang na Finals MVP ng nakaraang Hong Kong tournament kung saan nagkampeon ang Gilas.
Si Louie ay papalitan ni Caloy Garcia, isang dating PBA coach, para sa Knights simula sa 89th NCAA season.