MANILA, Philippines - Kung sakali ay mu-ling magkikita sa ibabaw ng boxing ring sina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Vic Darchinyan ng Armenia.
Ito ay matapos sabihin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na puwede niyang kunin ang 37-anyos na si Darchinyan (38-5-1, 27 KOs) para labanan ang 30-anyos na si Donaire (31-1-0, 20 KOs) sakaling hindi niya maplantsa ang gusot sa kampo ni Cuban Guillermo Rigondeaux (11-0, 8 KOs).
Si Darchinyan ang inagawan ni Donaire, kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion, ng IBF at IBO flyweight titles via fifth-round KO noong Hulyo ng 2007.
“We offered him the fight. We’ve offered him a lot of money for the fight. If he doesn’t take it, we’ll move on to the next guy,†sabi ni Arum sa Cuban two-time Olympic Games gold winner na si Rigondeaux.
Ayon pa kay Arum, wala siyang planong makipag-usap sa promoter ni Rigondeaux na Caribe Promotions.
Sinabi kamakalawa ni Rigondeaux na hindi muna niya pipirmahan ang fight contract na ipinadala ng Top Rank para labanan si Donaire hangga’t hindi nareresolba ang kanilang isyu sa Caribe.
“Caribe is trying to use the kid to put muscle on us to settle a lawsuit that we feel has no value,†wika ni Arum sa Caribe na pagmamay-ari ni Boris Arencibia, nagsampa ng kaso noong Agosto ng 2010 sa pamamagitan ng Black, Srebnick, Kornspan & Stumpf.
Nakabinbin pa rin ang naturang kaso sa Miami-Dade County courthouse sa Florida.
Pinapirma si Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ng Top Rank sa isang two-year contract noong 2010 kung saan tumayong co-promoter ang Caribe Promotions bago naitsapuwera sa bagong pi-nirmahan na termino ng Cuban boxer.