MANILA, Philippines - Nagpadala na ang Top Rank Promotions ng fight contract kay Cuban Guillermo Rigondeaux para sa kanilang unification fight ni unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa Abril 13.
Ngunit sinabi ni Rigondeaux na hindi muna niya pipirmahan ang nasabing kontrata para sagupain si Donaire, ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion.
Sa panayam ng BoxingScene.com kahapon, sinabi ni Rigondeaux, isang two-time Olympic Games gold medalist para sa Cuba at ang kasalukuyang World Boxing Association super bantamweight ruler, na dapat munang resolbahan ng Top Rank ang isyu sa Caribe Promotions.
“Top Rank sent a contract for the (Donaire) fight, which my advisers are reviewing, but I’ve made it clear to Top Rank that I want my legal problems between my promoter, Caribe Promotions, and Top Rank, to be resolved before the fight,†ani Rigondeaux.
Noong Agosto ng 2012, nagsampa ang Black, Srebnick, Kornspan & Stumpf, kumakatawan kay Boris Arencibia, may-ari ng Caribe Promotions, ng kaso laban kay Rigondeaux at sa Top Rank ni Bob Arum.
Kasalukuyang nakabin-bin ang nasabing kaso sa Miami-Dade County courthouse sa Florida.
“I want the legal case between the two companies to be resolved,†sabi ni Rigondeaux (11-0, 8 KOs) na pinapirma ng Top Rank ng two-year contract noong 2010.