MANILA, Philippines - Hindi lalaro si Delonte West para sa D-League team ng Dallas Mavericks matapos malaman na walanang plano ang Mavs owner na si Mark Cuban na ibalik ito sa Dallas, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Hindi pa nakakalaro si Delonte West sa kasaluku-yang NBA regular season.
Ang buong akala ni West, kukunin uli siya ng Mavericks pagkatapos maglaro sa isang minor league, ayon sa source.
Nakuha ng Texas Legends si West sa pamamagitan ng waivers noong Jan. 25 at inaasahan siyang mag-report sa team.
Pagkatapos nito, sinabi ni Cuban na hindi na niya kukunin uli si West.
Nang makarating ito kay West, ayaw na niyang lumaro sa Legends at hindi pa siya nagpapakita sa team.
Si West ay nasa roster ng Legends nitong Sabado ngunit walang nakalagay na jersey number sa pa-ngalan niya.
Ini-waive ng Mavericks si West noong Oct. 30 matapos siyang suspindihin ng dalawang beses sa naturang buwan dahil sa kanyang hindi magandang inasal na nakakasira sa team.
Ang laging nasasangkot sa gulo na si West ay may average na 9.6 points at 3.2 assists para sa Dallas noong lockout shortened 2011-12 season.
Ang dating Boston player ay hindi rin pinag-iinteresan ng Celtics matapos magka-injury si Rajon Rondo na hindi na makakalaro sa mga nalalabing games sa season dahil injury sa tuhod, sabi pa ng source.
Makakapirma lang si West sa ibang NBA team kung lalaro siya sa Legends.