MANILA, Philippines - Naipamalas ng Money King ang angking lakas sa pagtakbo para masama sa mga liyamadong kabayo na nanaig sa pagbubukas ng pista sa buwan ng PebÂrero noong Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Nalagay ng anim na diÂpang layo sa Hyena sa huÂÂling kurbada, nag-init ang Money King paÂra tuÂhugin ang tatlong naÂuÂunang kabayo.
Idinaan pa ni Dilema ang kabayo sa gitna ng Hyena at Mr. Tatler para maÂkuha ang unang puwesto at manalo ng dalawang dipa sa naghabol na Mr. Tatler na ginabayan.
Naghatid ng P9.50 ang win ng Money King, habang nadehado pa ang Mr. Tatler para kumabig ang mga nanalo sa 1-3 forecast ng P34.00 dibidendo.
Pinakaliyamadong kaÂbayo na nagpasikat ay ang My Queen para mapawi ang pagkakalapag sa maÂhinang pang-anim na puÂwesto noong Enero 20 sa pagÂdiskarte ni CV Garganta.
Nasa tatlong dipa ang laÂyo ng panalo ng My Queen sa Hurricane Alley para sa P5.00 dibidenÂdo sa win at P13.00 sa forecast.
Nakabalik din sa pagpapanalo ang Forever Young na siya ring long shot na nanalo sa gabi sa baÂkuran ng Manila JocÂkey Club Inc.
Nagkamit ng P54.00 diÂbidendo ang nanalig sa Forever Young, habang P166.50 ang 3-6 forecast.