AFF nag-donate ng $100,000 sa mga biktima ng bagyong ‘Pablo’

MANILA, Philippines - Nagbigay ang ASE­AN Football Federation ng $100,000 (halos P4 mil­yon) sa mga naging bik­tima ng bagyong ‘Pablo’ sa Mindanao noong Dis­yembre

Bumisita si Prince Ab­dullah Ibni Sultan Ha­ji Ahmad Shah ng Ma­laysia, isang AFF Council and Finance at mar­keting Committee mem­ber, sa bansa noong Bi­yernes para sa ceremonial turnover ng nasabing do­nasyon sa Philippine Football Federation (PFF).

Ang naturang do­nas­yon ay naunang ipina­nga­ko ng AFF sa nakaraang AFF Council Meeting sa Thailand.

Sinabi ni PFF President Mariano ‘Nonong’ Ara­neta Jr. na ikinukunsi­dera ng PFF na gamitin ang pondo para sa pagpa­patayo ng school buil­dings sa mga lugar na sina­gasa ni ‘Pablo’ bukod sa pag­lalagay ng isang ma­liit na football fields.

 

Show comments