MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senator Francis ‘Chiz’Escudero na dapat saÂÂmantalahin ng pamahaÂlaan at ng mga major stakeÂholders sa sports ang pahayag ng Philippine Sports Commission (PSC) na malaki ang kaÂnilang naipon na maaaÂring gamitin para sa pagÂhaÂÂhanda sa 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, BraÂzil.
Ngunit pinaalalahaÂnan din ni Escudero ang PSC na unahin ang mga proÂyektong ilalatag para sa paghahanda ng mga naÂtional athletes sa 2016 Summer Games.
Inihayag kamakailan ng PSC na nakatipid sila ng halos P500 milyon.
Inalok naman ni PSC chairman Ricardo Garcia ang karamihan sa natuÂrang pondo sa mga National Sports Associations (NSAs) na makakapagbiÂgay ng epektibong progÂrama na sisiguro sa pag-uwi ng medalya ng kaÂnilang mga atleta sa mga darating na Southeast Asian Games, Asian GaÂmes and the Olympics.
“This is the first time that the PSC is claiming savings of as much as this, half-a-billion pesos that does not need to be returned to the national treaÂsuÂry as it was saved from the agency’s corporate funds,†wika ni Escudero.
“But the PSC could not spend this much just for the SEA Games alone, as earlier reported in the paÂpers,†wika pa ng SenaÂdor.
Hinikayat pa ni EscuÂdero si Garcia at ang kanÂyang PSC Board na tuÂtukan ang Olympics kaÂhit na ito ay sa 2016 pa maÂgaganap.
“Any savings is always a good news. SpenÂding these savings wisely and effectively would make better news, howÂever,†ani Escudero, iginiÂit na ang ‘priority sports’ ang dapat makatanggap ng malaking pondo para sa pangarap na Olympic gold medal ng bansa.