Golden Boy nagbigay ng kontrata sa Top Rank para sa Donaire-Mares fight

MANILA, Philippines - Para ipakita na determinado silang maitakda ang suntukan nina unified world super bantamweight champion Noni­to ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. at Mexican titlist Abner Mares, nagpadala ang Golden Boy Promotions ng kontratang nag­ka­kahalaga ng $3 milyon sa Top Rank Promotions.

Ang naturang kontrata ay idiniretso ng Golden Boy ni Oscar Dela Hoya kay Top Rank legal counsel David Moroso.

Kamakailan ay sinabi ni Golden Boy Chief Exe­cutive Officer Ri­chard Schaefer na gusto ni­lang mai­takda ang Do­naire-Ma­res unification cham­pion­ship fight nga­yong ta­on.

Gusto din ni Arum na ang Top Rank ang mag-promote ng nasabing Donaire-Mares bout ngu­nit hindi kasama ang Golden Boy.

Si Donaire (31-1-0, 20 KOs), ang World Boxing Organization at Internatio­nal Boxing Federation super bantamweight king, ay nasa kampo ng Top Rank, habang si Mares (25-0-1, 13 KOs), ang su­per bantamweight titlist ng World Boxing Council, ay nasa bakuran ng Gol­den Boy.

Magbibigay ang Gol­den Boy ng $3 milyon kay Arum para mahiram si Donaire at ilaban kay Mares.

“I am willing to offer them $3 million dollars. I will pay Top Rank $3 million dollars and I don’t know what kind of deal they have with Donaire ... pro­bably 50-50,” sabi ni Schaefer sa naunang pa­­na­yam sa kanya ng Bo­xingScene.com. “So Arum can pay Donaire $1.5 million and he can take $1.5 million, but I don’t care how they split up the $3 million.”

Dahil sa kanyang apat na sunod na panalo no­ong 2012, hinirang ang 30-anyos na si Donaire ng ESPN.com at RingTV.com bilang 2012 Fighter of the Year.

Ang mga tinalo ni Do­naire noong nakaraang ta­on ay sina Wilfredo Vaz­quez, Jr. ng Puerto Ri­co, Jeffrey Mathebula ng South Africa, Toshiaki Ni­shioka ng Japan at Jorge Arce ng Mexico.

Nasa promotions din ng Top Rank si Guillermo Rigondeaux ng Cuba (11-0, 8 KOs), isang two-time Olympic Games gold me­dalist para sa Cuba at ang kasalukuyang WBA super bantamweight ruler, na ma­aa­ring isalang ni Arum kay Donaire sakaling ma­bigo siyang makuha si Ma­res.

 

 

Show comments