MANILA, Philippines - Pinuntirya talaga ni San Mig Coffee coach Tim Cone si Aldrech Ramos noong 2012 PBA Draft pero nakuha siya ng Barako Bull bilang No. 5 pick overall. Nakuha rin ng San Mig Coffee si Ramos pero kinailangan nilang ipamigay ang kanilang first at second round picks sa nasabing draft.
“(Aldrech Ramos) is like Robert Horry. He’s a unique 6-5 player who can spread the floor, can defend different type of guy,†pahayag ni Cone noon.
Pero pagkatapos lamang ng isang conference ay pinakawalan din ng San Mig Coffee si Ramos, kasama sina JC Intal at Jonas Villanueva, sa isang trade nitong Martes na kinasangkutan ng apat na iba pang koponan at pitong iba pang players.
Ang mga nakuha ng Mixers bilang kapalit ay sina Alex Mallari, Leo Najorda, rookie Lester Alvarez at isang 2014 first round pick ng Petron Blaze na nakuha ng San Mig mula sa Barako Bull.
“You have to give to receive if you have to make trades. It was painful to let those two guys go, and even our team captain Jonas. But we do feel Mallari has a lot of potential and Najorda will add toughness,†ani Cone.