ATLANTA -- Hindi na makakalaro si Lou Williams, ang third-leading scorer ng Atlanta sa mga natitirang laro sa season dahil sa injury sa kanang tuhod.
Inihayag ng Hawks bago ang laro kontra sa San Antonio nitong Sabado na napunit ang anterior cru-ciate ligament sa tuhod ni Williams noong Biyernes ng gabi nang matalo sila sa Brooklyn.
Natuklasan ang napunit na litid nang eksaminin ang kanyang tuhod nitong Sabado ni Dr. Michael Bernot sa Atlanta.
“It’s certainly devastating to us to lose Lou,’’ sabi ni Hawks coach Larry Drew.
Si Williams, guard sa kanyang unang season sa Hawks, ay nag-a-average ng 14.1 points.
Nangyari ang injury sa second quarter nang ma-steal ni Williams ang bola at nag-drive sa basket, may 7-minuto pa ang natitira.
Parang bumigay ang kanyang tuhod nang akma na itong titira.
Umika-ika na ito pag-landing niya at inilabas na siya ng court bago ito ipinasok sa locker room.
Ang pagkawala ni Williams ay malaking dagok sa Atlanta team na natalo ng pito sa 9-games matapos ang magandang simula.